Samantalang maaga gumawa't darating Gabing ipapahinga sa 'yong tungkulin; Isaayos mong lahat ang iyong gawain Nang makatapos agad bago dumilim.
Gawin bawa't gawain habang may liwanag; Oras h'wag aksayahin igawang lahat; Iyong alintanahin ang lahat ng hirap Dumarating ang dilim kaya't magsikap.
Araw ay nagtutulin sa kanyang paglubog Kaya't dagling tapusin at isaayos Ang minulang gawai'y isingit na lubos Sa ibang adhikain nang makatapos.